top of page

From Assembly Lines 
By Jane Commane
Translated into Filipino by Angela Gabrielle Fabunan

Batang Midlands

Pinalaki kami sa mga kotse, sa upuan sa likuran
ng matagal nang naglahong huwaran ng manupakturang-Britannia,
Morris, Austins, Rovers, and Talbots, medyo basura kahit na bago,
segunda-mano, markado at sa tag-araw
nakikilala sa amoy ng mainit na katad, sa langis-itim
na sangsang ng apat-na-bituing usok at kalawang-pula ng laspag
na head gasket na nag-paawas sa radiator.

Silang akala nating tayo noon, na-iwakli pababa sa agwat
sa upuan sa likod na mahusay na itiniklop, o iniwang 
isinuksok na parang mga lihim sa kromong ash trays ng pasahero;
kagaya ng bawat isang pangako na bakasyon at mahiwagang paglalakbay, 
panandaliang pinilak sa wing-mirrors bago maglaho palayo, sa mainit 
na panganorin, katulad ng mga planta ng kotse, company overalls, jobs for life, 
yung mala-alamat na kwadradong manibela ng bagong pinturang Allegro.

bottom of page